Militar alerto sa MILF terror attack

Posibleng magha­sik ng terorismo ang Moro Islamic Liberation Front renegades bilang ‘diversionary tactics’ sa opensiba ng tropa ng militar laban sa dalawang lider ng MILF na promotor sa na­ganap na karahasan sa North Cotabato at Lanao del Norte noong nakaraang buwan.

Ito ang ibinabala ka­hapon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Alexander Yano na nagsabing muli niyang inalerto ang tropa ng militar upang magbigay pro­teksyon sa mga ino­senteng sibilyan.

Sinabi ni Yano na mahina na ang pu­wersa ng MILF rene­gades kaya mala­mang na tumutok ang mga ito sa paghahasik ng terorismo matapos na lumiliit na ang grupo ng mga ito at nagkaka­watak-watak pa sa walang humpay na air at ground assault ng tropa ng militar.

Sinabi ni Yano na nabawasan din ang mga sagupaan ng mag­kabilang panig sa Lanao del Norte, Ma­guindanao, North Co­tabato at Sultan Ku­darat habang umiiral ang Ramadan hang­gang katapusan ng buwang ito.

Samantala, sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Ro­naldo Puno na handa ang pamaha­ laan na ipagkaloob sa Moro Islamic Liberation Front ang P25 milyong reward na laan para ma­dakip ang mga ku­ man­der nito na sina Ameril Kato, Abdulrah­man Ma­capaar alyas Ku­mander Bravo, at Aleem Su­layman Pa­ngalian kung isusuko sila ng MILF.

Show comments