Chavit, bagong Deputy National Security Adviser
Kinumpirma kahapon ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang pagtatalaga ni Pangulong Arroyo kay dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson bilang Deputy National Security Adviser.
Ayon kay Ermita, ang appointment papers ni Singson ay ipinalabas ni Pangulong Arroyo noong Biyernes.
Papalitan ni Singson si retired Gen. Pedro Cabuay.
Pang-lima na si Singson sa senatorial candidates ng Team Unity na nabigyan ng posisyon sa gobyerno,
Nauna na sa kanya sina Vicente Sotto III sa Dangerous Drugs Board, Prospero Pichay Jr. sa Local Water Uti lities Administration, Ralph Recto bilang NEDA chief at Mike Defensor sa task force NAIA 3 na binitawan din niya kinalaunan. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending