Katawan ng C-130 nakita na
Natagpuan na kahapon ng US Navy ship McDonnel ang ’katawan’ nang bumagsak na C-130 Hercules plane ng Philippine Air Force sa malalim na bahagi ng Davao Gulf.
Sa ulat ni Capt. Arnel Gonzales, pinuno ng binuong Task Force Hercules, natunton na ang halos buong katawan ng C-130 sa karagatan na may 426 ft. o talampakang lalim at may layong 1.3 nautical miles sa silangang bahagi ng Brgy. Bukana sa Davao.
Sinabi ni Gonzales na hindi kakayanin ng mga divers mula sa search and retrieval team ang pagsisid sa nabanggit na lalim dahil hanggang 200 ft. lamang anya ang kayang sisirin ng mga divers.
Dahil dito, kumikilos na ang pamunuan ng PAF upang makahanap ng isang kumpanya na makakapag-ahon sa naturang eroplano. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending