^

Bansa

Binuhay na libel vs kritiko ni Garcia kinondena

-

Dahil sa kabiguan na patahimikin at mapigilan sa pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa kanya, hinihinalang inimpluwensiyahan umano ni GSIS President at General Manager Winston Garcia ang korte upang muling buhayin ang kasong libelo laban sa No.1 kritiko nitong si Atty. Albert M. Velasco na una nang ibinasura ng Department of Justice (DOJ) noong nakaraang taon.

Si Velasco ay sinampahan sa Pasay City prosecutors ng 2 counts of libel ni Garcia at one count of libel kay Atty. Mario Molina, pawang mga founding member ng Government Employees Legal Action Center o GELAC, na nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga government employees na nagsasampa ng mga kasong kriminal laban kay Garcia kaug­nay sa kanilang mga hindi nakuku­hang benepisyo sa GSIS.

Ngunit nagsampa ng motion for reconsideration si Garcia at sa hindi maliwanag na dahilan, binaligtad ng DOJ ang una nang naging desisyon nito at muling binuhay ang kasong libelo laban kina Velasco at Molina.

Kinondena naman ng grupo ang ginawang pagsampa ng kaso kina Velasco at Molina. Anila, isang desparadong hakbang ito ni Garcia upang kitilin ang kanilang karapatan na magsampa ng kaso laban dito. (Gemma Garcia)

vuukle comment

ALBERT M

GARCIA

META

MICROSOFT WORD

MSO

MSORMAL

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with