4 kumpanya nagbaba sa presyo ng langis

Apat na kumpanya ng langis ang napaulat na magbababa ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ngayong Miyerkules.

Sinasabing P1 bawat litro ng produktong petrolyo ang inaasahang tatapyasin ng Flying V mula kaninang hatinggabi.

Magbabawas din ng presyo ng langis ngayong araw na ito ang Eastern Petroleum.

Napaulat din sa radyo at telebisyon na magpapatupad din ng P1 rollback bawat litro sa presyo ng kanilang produkto ang UniOil at Seaoil ngayon ding umaga. 

Sinabi ni UniOil general manager Chito Medina-Cue Jr. na ang pagtuloy na pagbaba sa presyo ng krudo sa world market ang dahilan ng pagbaba sa lokal na presyo nito.

Show comments