Rape vs magtatanan ng menor-de-edad na gf
Mahaharap sa ka-song rape at child abuse ang sinumang lalaki na magtatanan ng mga menor-de-edad nilang nobya.
Ito ang babala kahapon ni PNP Women and Children Protection Center Director Chief Supt. Yolanda Tanigue dahil sa dumaraming insidente ng mga lalaking nagtatanan ng mga menor- de-edad nilang mga kasintahan.
Ipinaliwanag ni Tanigue na kahit na ginusto pa ng babaeng menor-de-edad na sumama sa kanyang bf na nasa tamang gulang ay maaari pa ring bawiin ng mga magulang ang babae at sampahan ng kasong rape at child abuse ang lalaki.
Ayon sa Aleng Pulis, bagaman magsing-irog ay hindi ito kinikilala ng batas dahil ito ay isang malaking paglabag sa Konstitusyon ng bansa.
Samantalang maaari rin aniyang dumulog sa pulisya ang mga magulang ng mga menor- de-edad na kababaihan upang bawiin ang kanilang mga anak.
Inihayag rin ni Tanigue na mananagot sa batas ang mga bar, night clubs at iba pang entertainment establishments na masasangkot sa pang-aabuso sa mga kababaihan o kapag napatunayang nag-ooperate ito na may mga menor-de- edad.
Maging ang mga customer na napatunayang pumatol sa mga minor mula sa mga establisimiyentong ito ay mananagot rin.
Gayundin, binalaan din ni Aleng Pulis ang mga Mamang Pulis na mahihilig tumikim sa mga babaeng mabababa ang lipad partikular na ang mga menor-de-edad ay pwede ring makulong kapag sapilitan itong binitbit at sinipingan.
Idinagdag pa ni Ta- nigue na pumasok sa hanapbuhay ang naturang mga babae upang kumita at hindi para abusuhin. Hindi umano titigil ang 3,000 Aleng Pulis sa kanilang kampanya upang maipaglaban lamang ang karapatan ng mga inaabusong kababaihan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending