^

Bansa

PASG man sa Morato incident sinibak ni Villar!

-

Sinibak kahapon ni Presidential Anti-Smuggling Group chief Undersecretary Antonio Villar Jr. ang kanyang close-in personal aide na nasangkot sa isang kaguluhan sa isang parking incident sa Quezon City kamakailan.

Sinibak kaagad ni Usec. Villar si Marino Piramo kahit na inabswelto ito ng pulisya sa isang parking incident sa isang restaurant sa Tomas Morato St., QC.

“I have to fire him to avoid wrong perception that I am condoning my men,” wika pa ni Usec. Villar.

Nangyari ang insidente sa Bamboo grill sa T. Morato St. bandang alas-12 ng hatinggabi habang ipinaparada ni Piramo ang kanyang van para bumili ng pagkain nang sabihan siya ng parking boy na pagbigyan ang kararating lamang na Honda CRV na may lulang 3 kalalakihan

Sinita ng PASG man ang parking boy subalit pabalang naman itong sumagot hanggang sa makatawag pansin ito at may dumating na pulis saka dinala sila sa pulisya kung saan ay inabswelto naman si Piramo.

“Because of the Dusit hotel issue, that minor incident became another hot issue even though Piramo had simply exercised his right. Nevertheless, I fire him to show to the public that I am not condoning my men,” wika pa ni Villar.

Magugunita na palaging nagpapalit ng mga tauhan si Villar lalo na kung may nagagawa itong mga kasalanan. Noong nakaraang taon ay sinibak din niya ang 3 field directors dahil sa masamang imahe ng mga ito.

Aniya, sa simula pa lamang ay sinabi na niya sa kanyang mga tauhan na hindi siya kunsintidor kasabay ang paniniguro na hindi siya makikialam sa imbestigasyon sa Dusit hotel incident. (Rudy Andal)

BECAUSE OF THE DUSIT

MARINO PIRAMO

MORATO ST.

PIRAMO

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with