^

Bansa

Wanted posters ni Kato, Bravo ipinakalat ng PNP

-

Iligan City, Lanao del Norte – Ipinakalat na ng Philippine National Police (PNP) ang mga poster nina Moro Islamic Liberation Front (MILF) Commanders Umbra Kato at Bravo na may patong sa ulo na tig-P5 milyon.

Ayon kay PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., sa pamamagitan ng pagkakalat ng naturang mga posters ay higit na mapapabilis ang pag-aresto sa dalawa dahil dadami ang mga tipster.

Si Bravo ang umano’y nasa likod ng madugong ambus, pag-masaker ng mga sibilyan, panununog ng mga kabahayan, pag-ransak ng mga establisimyento at pagnanakaw sa mga ATM machines sa apat na bayan ng Lanao del Norte.

Samantalang si Kato ang sinasabing kumubkob sa 15 barangay sa pitong bayan ng North Cotabato.

Kaugnay nito, nagbigay ng P500,000 si Puno sa Ozamis City upang matulungan sa dumaraming bilang ng evacuees na nanggaling sa mga karatig na bayan na sinalakay ng mga rebelde.

Tumanggap rin ng P150,000 ang Clarin, Misamis Oriental; P500,000 sa bayan ng Kolambugan; P 300,000 sa Kauswagan at P1M naman sa Iligan City at Lanao del Norte na ayon kay Puno ay mula sa Presidential Savings Fund .

Sinabi ni Puno na layunin ng pagbibigay ng tulong pi­ nan­syal na maibalik ang normal na buhay ng mga residente na nawalan ng tirahan. (Joy Cantos/Danilo Garcia)

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

COMMANDERS UMBRA KATO

DANILO GARCIA

ILIGAN CITY

LANAO

NORTE

PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with