1.5-M high school student sasabak sa NCAE exam

Handa na ang Department of Education sa National Career Assessment Examination bukas, Agosto 27, para sa mga graduating high school students bilang paghahanda sa kani­lang pagpasok sa kole­hiyo.

Ayon kay DepEd Secretary Jesli Lapus, aabot sa 1.5 milyong 4th year high school student, 1.2 milyon sa public at 300,000 sa private school, ang inaasahang kukuha ng nasabing eksaminasyon.

Dagdag pa ni Lapus na layunin ng eksami­nasyon na malaman ng isang estudyante kung ano ang pinakamainam na kursong kanyang kukunin sa kolehiyo.  (Edwin Balasa)

Show comments