Sakali man at magpa tuloy ang mga kaguluhan sa Mindanao bunsod ng pagwawala ng pasaway na mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay malabong mapa-l awig pa ang termino ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr.
“It’s very unlikely,” pahayag ni Interior and Lo- cal Government Secre- tary Ronaldo Puno nang tanungin kung paano pangangasiwaan ng pulisya ang pagtugis sa mga sumalakay na kasapi ng MILF sa oras na bumaba sa puwesto si Razon sa susunod na buwan.
Si Razon, produkto ng PMA Class 1974 ay nakatakdang magretiro sa darating na Setyem- bre 27 pagsapit ng ika-56 taon nitong kaarawan.
Sinabi ni Puno na ka-hit siya’y di komportable sa pagreretiro ni Razon ay may polisiya ang Na tional Police Commis- sion na di pabor sa pag-extend sa termino ng PNP chief dahil mahahadla ngan nito ang takdang pag-angat sa ranggo ng ibang opisyal.
“I think the Chief PNP himself is the first person to insist on his program of modernization and moral transformation in the po-lice ranks to be implemented,” ayon pa kay Puno.
Idinagdag pa ni Puno na naniniwala silang ka- kayanin at may kapabili-dad ang susunod na hi- hiranging PNP Chief na pangasiwaan ang operasyon sa Mindanao. (Joy Cantos)