Meralco kinasuhan ng syndicated estafa
Sinampahan ng kasong syndicated estafa ng Department of Justice (DOJ) sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang 16 opisyal ng Manila Electric Company (Meralco) kabilang dito ang Chairman at Chief Executive officer na si Manolo Lopez kaugnay sa kasong isinampa ng National Association of Electricity Consumers for Reforms (Nasecor).
Ayon kay
Bukod dito natapos na rin umano ang 28 araw na Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu ng mababang korte .
Nilinaw ni de Castro na kabilang sa mga ebidensiya na kanilang hawak ay ang financial statement ng Meralco, statement of responsibility na itinuturing na isang public document dahil sa naka notaryo ito. Gayundin ang report ng isang pribadong accounting firm na naglilipat mula sa consumer deposit ay nalipat ito sa interes income ng kumpanya.
Bukod kay Lopez kasama ding kinasuhan sina Arthur Defensor Jr., Gregory Domingo,Octavio Victor Espiritu, Christian Monsod, Federico Puno, Washingtong Sycip, Emilio Vicens, Francisco Viray at Cesar Virata na pawanag mga miyembro ng 2006 Meralco board of directors.
Kinasuhan din sina Daniel Tagaza, Executive Vice President at Chief Financial Officer of Meralco; Rafael Andrada, first vice president at treasurer; Helen De Guzman, Vice President at Corporate Auditero at Compliance Officer; Antonio Valera, Vice President at Assistant Comptroller at Manolo Fernando, Senior Assistant Vice President at Assistant Treasurer.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng mga mga opisyal ng Meralco.
Nag-ugat ang kaso matapos na ipag-utos ng Energy Regalatory Commission (ERC) na kailangang ibalik sa consumer ng Meralco ang 10 porsiyentong meter at bill deposits kayat kinasuhan ang nasabing kumpanya ng NASECOR. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending