BI wag sisihin sa pagdami ng OFWs sa Jordan
Hindi dapat ibunton ni Senate President Manny Villar ang lahat ng sisi sa Bureau of Immigration (BI) sa dumaraming bilang ng overseas Filipino workers na ilegal na nakakapasok sa Jordan sa kabila ng travel ban na ipinatutupad ng pamahalaan.
“It is not the duty of BI to know whether an OFW is intending to go to Jordan illegally or to other countries indicated in their travel documents,” wika ni Atty. Batas Mauricio, founder at first nominee ng party list group BATAS or Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan.
Ginawa ni Atty. Batas ang pahayag matapos batikusin ni Villar ang BI dahil sa kabiguan nitong pigilin ang pagpasok ng migrant workers sa Jordan, sa kabila ng ipinatutupad na travel ban ng OFWs sa magulong bansa sa
Hinikayat naman ni Atty. Batas si Villar na magpasa ng batas na pipigil sa prak tis ng paggamit ng ibang bansa bilang jump-off point ng OFWs upang mapasok sa bansa na may travel ban. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending