^

Bansa

P8M expired na gamot ipadala na lang sa Mindanao - solons

-

Sa gitna ng nangya­yaring bakbakan sa Min­danao, kung saan ma­rami na ang mga nasasawi at nasusugatang sundalo at mamamayan, naungkat kahapon sa Senado ang isyu ng P8 milyong expired o malapit nang ma-expired na itinatago sa iba’t ibang ospital ng gobyerno at maaring magamit sa Mindanao.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, sa halip na maak­ saya ang milyon-milyong halaga ng gamot sa mga ospital ng gob­yerno, lalo na yong mga hindi pa naman expired, maaari itong ipa­dala sa Mindanao upang maga­mit ng mga sugatan.

Inihain naman ni Sen. Miriam Defensor Santia­go ang Senate Resolution 547 upang paimbestiga­han ang ulat ng Commission on Audit (COA) na umaabot sa P8 milyon ang itina­tagong gamot ng iba’t ibang ospital ng gobyerno na expired na at yong iba ay malapit ng ma-expired.

Idinagdag ni Gordon na sa US Navy, ginagawa rin ang pamimigay ng mga ga­mot na malapit nang mag-expired dahil may dala­wang buwan pa na­man na maaari itong maga­mit ma­ta­pos ang expiration date.

Layunin ng panukala ni Santiago na imbes­tigahan ng Senado ang ulat na milyon-milyong halaga ng surplus at expired na gamot ang itina­tago ng ilang ospital ng gobyerno upang makalik­ha ng batas para maiwa­san itong mangyari ulit.

Sinisi rin ng COA sa kanilang report ang ka­walan ng Department of Health ng plano sa pagbili ng mga gamot na nag­resulta sa “overstocking” at pagka-expired sa wa­long state-owned hospital. (Malou Escudero)

DEPARTMENT OF HEALTH

EXPIRED

MALOU ESCUDERO

MINDANAO

MIRIAM DEFENSOR SANTIA

PLACE

RICHARD GORDON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with