‘Di lang ganda, Sipag at Tiyaga puhunan para magtagumpay
Dalawang babaeng negosyante ang nakadiskubre na ang kagandahan na sinamahan pa ng Sipag at Tiyaga ay siya nilang magiging puhunan upang makamit ang tagumpay.
Kabilang sina Marianne Olano ng Naga City, Camarines Sur at Regina Madio ng Tabuk City, Kalinga sa 16 na mga negosyanteng Pinoy na pinarangalan bilang mga malikhain at bagong sibol na negosyante ng bansa sa ilalim ng “Pondo sa Sipag, Puhunan sa Tiyaga”.
Ang naturang programa ay inilunsad ng Nacionalista Party (NP) na pinamumunuan ni Senate President Manny Villar kasabay ng pagdiriwang sa sentenaryo ng partido. P1.6 milyon ang kabuuang pa-premyo na ibini gay ng NP sa 16 na mga nagwaging negosyanteng Pinoy na isinabuhay ang Sipag at Tiyaga para makamit ang tagumpay.
Ang negosyo ni Olano na Baycrafts Shoppe, at ang Praj’s Gift Shoppe ni Madio ay parehong nakatuon sa mga produktong dagdag-pampaganda ng mga kababaihan. Ang Baycraft Shoppe sa
Ang kakulangan ng sapat na kaalaman sa kanyang pinasok na negosyo ay hindi naging hadlang para kay Olano. Nagbunga ang Sipag at Tiyaga ni Olano.
Sa kabilang dako, kahit kulang sa puhunan, baon sa utang at walang masyadong kaalaman sa pagnenegosyo, nagsumikap pa rin si Madio sa paggawa at pagbebenta ng mga magagandang native products na yari sa mga material na makikita sa Cordillera Region.
Sa tulong ng DTI, lalo na sa aspeto ng mga disenyo ng kanyang produkto, kinilala ang mahalagang papel ni Madio sa paglilinang ng kultura at tradisyon ng mga taga-Kalinga.
Ang kanyang Praj’s Gift Shoppe na nag-umpisa noong April 2002 ay nagsisilbing ‘one stop shop’ ng mga pitaka, bag, dekorasyon sa bahay na yari sa mga hinabing damo at ibang materyales na matatagpuan sa Kalinga.
“Ang katangian ni Olano at Madio na umahon sa hirap dahil sa Sipag at Tiyaga ay sapat nang dahilan para kilalanin sila bilang mga bayani ng kanilang lugar. Sila ang mga bagong usbong na negosyanteng Pinoy na kinakailangan ng ating bayan sa ngayon,” pahayag ni Sen. Villar.
- Latest
- Trending