Israeli-American national blacklist sa BI

Isang Israeli-American National ang isinailalim sa blacklist ng Bureau of Im­migration (BI) dahilan sa pambabastos sa mga con­sul ng Philippine Embassy.

Si Albert Rosenfeld ay pinagbawalang maka­pasok sa bansa bunsod na rin ng kahilingan ng Dept.  of Foreign Affairs (DFA).

Nagpalabas na rin ng circular ang DFA na nag-aatas sa lahat ng emba­hada at konsulado ng Pili­pinas sa abroad na huwag bigyan ng Philippine Visa si Rosenfeld.

Batay sa ulat, nagalit si Rosenfeld nang pakiusa­pan siya ng staff ng Philip­pine Embassy na umupo sa waiting area habang pino­proseso ang Philip­pine Passport ng kanyang anak. Nagmalaki umano ang naturang Israeli na isa siyang doktor at may ma­lakas na koneksyon sa mga pulitiko gaya ni dating Pangulong Ramos at kaya niyang ipasibak ang mga tauhan ng Embahada kung kanyang nana­isin. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments