^

Bansa

Giyera dahil sa MOA

- Nina Gemma Garcia at Malou Escudero -

Isinisi kahapon ni Sen. Mar Roxas ang nang­yayaring kagulu­han ngayon sa Minda­nao sa Memorandum of Agreement ng pa­ma­halaan at Moro Islamic Liberation Front sa ancestral domain na pansamantalang pini­gil ng Korte Su­prema sa bisa ng Temporary restraining order.

Kaugnay nito, nag­sampa ng mosyon si  Ro­xas, pangulo ng Par­tido Liberal, sa Korte Su­prema para tuluyan nang ibasura ang MOA.

Sinabi ni Roxas na “nagsalita na ang ta­um­­bayan at hindi sila papayag na basta na lang matsa-chop-chop ang bansa natin gawa nitong MOA na pro­dukto ng pamimilit at panloloko.”

Iginiit ni Roxas na labag sa Konstitusyon ang MOA dahil gaga­wa ito ng isang estado sa loob ng Pilipinas.

“Matagal nang nina­nais nating lahat, mas lalo ang mga taga-Mindanao, ng kapa­yapaan at katahi­mi­kan. Ngunit paano magkakaroon ng ka­payapaan kung ang kasunduan mismo ay hindi dumaan sa kon­sultasyon ng mga ma­a­apektuhan nito?” ani Roxas.

Sumasama si Ro­xas sa petisyon ng ma­ma­mayan ng North Cotabato sa pangu­nguna nina Governor Jesus Sacdalan at Vice-Governor Emma­nuel Piñol at mama­mayan ng Zamboanga City sa pangunguna nina Mayor Celso Lo­bregat at kongresis­tang sina Isabelle Cli­maco at Erico Fabian. Dahil sa naturang pe­tisyon ay nagpa­labas ng TRO ang mataas na hukuman na pu­migil sa paglalagda sa MOA sa Malaysia noong Agos­to 4.

ERICO FABIAN

GOVERNOR JESUS SACDALAN

ISABELLE CLI

KORTE SU

MAR ROXAS

MAYOR CELSO LO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with