Kinumpirma kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na magtataas pa ang mga panadero sa presyo ng pandesal at anumang uri ng tinapay makaraang hindi na rin itutuloy pa ng mga flour millers ang planong taas-presyo sa harina.
Ayon kay DTI Under secretary Zenaida Maglaya, naging matagumpay ang pag-uusap na namagitan sa ahensiya, mga flour millers at mga panadero kung saan napagkasunduan na walang magaganap na pagtaas sa presyo kapwa sa tinapay at harina.
Nilinaw umano ng ahensiya sa mga flour millers na walang sapat na basehan para sa flour price hike.
Binanggit pa ni Maglaya na hindi magdadalawang-isip ang pamahalaan na sampahan ng kaukulang kaso ang sinumang negosyante na magtataas sa presyo ng harina. (Rose Tamayo-Tesoro)