^

Bansa

Sa mga taga-ARMM, Go out & vote!

-

Hinikayat kahapon ni Sen. Richard Gordon ang   mga mamamayan sa Auto­nomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na bumoto bukas at ipakitang sinusuportahan nila ang demokrasya sa bansa.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, hindi dapat mata­kot ang mga mamamayan sa ARMM at dapat ipakita ng mga ito na kayang maging automated ang elek­ siyon sa bansa. 

Ikinatuwa ni Gordon na ang mga Muslim ang unang makakaranas ng automated elections na siguradong magagamit  na rin sa presidential elec­tions sa 2010. 

Hindi aniya dapat itu­ring na problema ang pag­su­sulong ng automated elections dahil sa ibang bansa ay ginagamit na rin ito kabilang na sa Iraq na nagka-roon ng giyera.

Naipakita aniya ng Iraq noong 2005 na nais din ng mga Iraqis na magka­roon ng demo­krasya sa ka­nilang bansa.

Kung nakaya umano ng Iraq na magdaos ng elek­siyon sa oras ng gi­yera, hindi imposibleng ma­gawa rin ito sa ARMM dahil hindi sa buong Min­danao may gulo.

Si Gordon ang awtor ng RA 9369 o ang amen­ded Automated Elections Law, na magbibigay daan upang maging compute­rized na ang eleksiyon sa bansa. 

Samantala, tiniyak ka­hapon ng Comelec na ma­ayos na nakaselyo ang lahat ng electronic voting at counting machines na gagamitin bukas sa hala­lan sa ARMM. (Malou Escu­dero/Ludy Bermudo) 

AUTOMATED ELECTIONS LAW

PLACE

RICHARD GORDON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with