Pagbawas ng singil sa system loss ok

Pinagtibay kamakailan ng nakakaraming miyem­bro ng House of Representatives committee on energy ang isang panu­ka­lang  resolusyon na nag­baba­was sa system loss na ipina­pataw ng mga elec­tric companies o utilities sa mga konsyumer nito.

Sina­bi ni Committee Chairman Juan Miguel Arroyo na ginawa nila ang hakbang makaraang lumi­­taw sa kanilang mga pag­dinig na ang system loss ang isang pangu­nahing dahilan kaya tumataas ang singil sa kuryente ng mga electric utilities. 

Pinuna ng mga mam­ba­batas na umaabot hang­gang 16 porsiyento ang system loss na ipinapataw ng naturang mga kum­panya sa mga konsyumer gayong 9.5 porsiyento lang ang pinapahintulot ng batas. (Butch Quejada)

Show comments