Pagbawas ng singil sa system loss ok
Pinagtibay kamakailan ng nakakaraming miyembro ng House of Representatives committee on energy ang isang panukalang resolusyon na nagbabawas sa system loss na ipinapataw ng mga electric companies o utilities sa mga konsyumer nito.
Sinabi ni Committee Chairman Juan Miguel Arroyo na ginawa nila ang hakbang makaraang lumitaw sa kanilang mga pagdinig na ang system loss ang isang pangunahing dahilan kaya tumataas ang singil sa kuryente ng mga electric utilities.
Pinuna ng mga mambabatas na umaabot hanggang 16 porsiyento ang system loss na ipinapataw ng naturang mga kumpanya sa mga konsyumer gayong 9.5 porsiyento lang ang pinapahintulot ng batas. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending