SRA at Customs men pinakakastigo, PASG operations ‘pinakialaman’
Pinayuhan kahapon ni Presidential Anti-Smuggling Group chief Undersecretary Antonio Villar Jr. sina Sugar Regulatory Administrator Rafael Coscolluela at Customs Commissioner Napoleon Morales na disiplinahin ang kanilang mga tauhan makaraang “makialam” ang mga ito sa pagkumpiska ng PASG sa isang container van na hinihinalang may kargadang smuggled goods sa Port Area, Maynila kamakailan.
Binatikos ni Villar ang ginagawang pakikialam ng ilang government personnel upang maprotektahan ang mga “importers” para mabalam ang anti-smuggling operations ng PASG.
Ginawa ng PASG chief ang apela matapos matanggap ang isang report na si SRA Regulation Officer 1 Ernesto Ortalez Jr. at Secretary II William Yanen kasama ang mga Customs guards na sina Manuel Dizon at Gabino Gonzales II ay pinagbawalan ang PASG operatives na kumpiskahin ang container van na IMTU 3013630.
Kinuwestiyon nina Ortalez at Yanen ang awtoridad ng PASG operatives na kumpiskahin at dalhin sa PASG yard sa Ermita, Maynila ang nasabing container van saka iginiit na husto sa dokumento ang nasabing kargamento.
Pagkaraan ng 1 oras ay dumating sina Dizon at Gonzales ng BOC saka ipinakita ang order ng BOC na bantayan ang nasabing shipment na dadalhin sa ICBW 1544 sa Malabon.
Natapos lamang ang stand-off ng dumating si Supt. Johnny Bacbac ng PASG at inatasan ang SRA men at Customs guard na pabayaan na madala sa impounding area ang container van para lamang sa verification ng import documents nito at kinumpiska ito nitong July 30 bandang alas-10:30 ng gabi.
Napansin din ng PASG na hindi na sinamahan ng Customs guards ang container van paglabas ng Port na mayroong violation sa Tariff and Customs Code. Napag-alaman na ang kargamento ay naka-consign sa Kaye International Trading Corp. sa FUBC Bldg., Escolta corner Burke
- Latest
- Trending