^

Bansa

P.50 bawas sa text promo lang pala

-

Maraming cellphone users ang nalito sa ipi­nagmalaki ni Pangulong Arroyo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na singkuwenta sentimos na lamang ang text ngayon dahil promo lang pala ito ng mga telecom companies na tatagal ng tatlong buwan o hanggang Oktubre.

Ito ang nilinaw ng pamunuan ng National Telecommunications Commission (NTC) makaraang ihayag ng Pangulo sa kanyang SONA ang 50 sentimong bawas sa text messaging rates.

Niliwanag ni Sarmiento na inaprubahan ng NTC ang naturang promo noong nakaraang linggo at epektibo itong ipinatupad kahapon.

Sinabi ni NTC deputy commissioner Jorge Sar­miento na ang pagbibigay ng 50-centavo slash ay isang magandang promo ng mga telecommunications company na matagal nang binusisi ng ahensiya para sa kapakanan ng mga cellphone users. 

Sinabi pa nito na habang ang promotion ay tatagal ng hanggang ilang buwan, maaari naman itong ma-extend ng ilan pang buwan.

“This is renewable for another three months. Bago nila i-stop ito kailangan magpaalam sa amin,” pali­wanag ni Sarmiento. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

CRUZ

JORGE SAR

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

PANGULONG ARROYO

SARMIENTO

SINABI

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with