^

Bansa

Golez bagong Navy chief

-

Itinalaga kahapon ni Pangulong Arroyo bilang bagong pinuno ng Philippine Navy (PN) ang naka­babatang kapatid ng kan­yang kritiko na si Para­ñaque Rep. Roilo Golez. 

Hinirang bilang ba­gong Flag-Officer-in Com­mand ng PN si Rear Admiral Ferdinand Golez, mula sa Philippine Military Academy (PMA) Class 1976. 

Sinabi ni Defense Sec­retary Gilbert Teo­doro, papalitan ni Golez si Vice Admiral Rogelio Calunsag na magreretiro sa Agosto 2. 

Inaprubahan na rin ni Pangulong Arroyo ang ad interim appointment ng pitong 1-star generals habang ang 2 star-generals ay itinaas sa ranggong major generals.

Si Golez ang incumbent Chief ng Naval Education and Training Command.   

Ayon kay Navy spokes­man Lt. Col. Edgard Are­valo, nakatakda ang turnover ceremony sa susunod na linggo.

Si Golez ay magsisil­bing Navy chief hanggang Mayo 16, 2010 sa pag­sapit ng mandatory retirement age na 56. (Rudy Andal/Joy Cantos)

DEFENSE SEC

EDGARD ARE

GILBERT TEO

JOY CANTOS

NAVAL EDUCATION AND TRAINING COMMAND

PANGULONG ARROYO

SHY

SI GOLEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with