Pinoy invention inendorso ng LTO
Pinangunahan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Alberto Suansing ang paggamit ng mga makabagong imbensiyon ng mga Pilipino para makatipid sa gastusin sa mga produktong petrolyo tulad ng gas, diesel at LPG.
Ang mga bagong imbensyon ay kinabibilangan ng aeronix, ang uri ng makina ng sasakyan na mababawasan ng mga 3 percent ang fuel consumption ng mga sasakyan gayundin ang electric air reactor, isang electro magnetic fuel reaction na may high grade fuel na tutulong sa mabilis na pagsunog ng gas.
Sampung airconditioned jeep ang nilagyan ni Suansing ng naturang mga imbensiyon upang maipamalas ang kapasidad nito.
Sinabi naman ni Or-lando Marquez, vice president ng Philippine Inventors Society, na ang naturang mga imbensiyon ay dumaan sa complete evaluation technology verification (cetv) ng DTI, DOST, DOE at DOTC bilang bahagi ng suporta sa pamahalaan sa pagtitipid sa paggamit ng petrolyo. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending