Patuloy ang paglakas ng bagyong Igme sa buong Luzon, Visayas at Western Mindanao
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ganap na alas-11 ng umaga kahapon, si Igme ay nasa layong 1,030 kilometro ng hilagang silangan ng Aparri, Cagayan. Taglay ni Igme ang lakas ng hanging 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 90 kilometro bawat oras at patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas naman ng paminsan minsang pag-uulan dulot ng hanging silanganin sa kanlurang bahagi ng bansa. Banayad naman hanggang sa katamtaman ang mga baybayin ng karagatan. (Angie dela Cruz)