^

Bansa

Sa pagkidnap kay Ces Drilon: Mayor at anak kinasuhan ng DOJ

-

Kinasuhan na ng Department of Justice ng kidnapping  sina Indanan, Sulu Mayor Alvarez Isnaji at anak nitong si Haider ka­ug­ nay sa pagdukot noong nakaraang bu­wan sa ABS-CBN broadcaster na si Ces Drilon at sa mga crew nito.

Base sa 26 na pa­hinang resolution na ipinalabas kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzalez, inirekomen­da nito ang pagsu­sulong ng kasong kidnapping for ransom sa Sulu Regional Trial Court laban sa mag-amang Isnaji.

Ang pagsusulong ng kaso ay base sa rekomendasyon ng panel of prosecution sa pangunguna ni Chief City Prosecutor Emilie Fe Delos Santos ma­tapos na magbigay ng pabor ang mag-ama sa mga kidnappers sa halip na sa biktima.

Bukod dito, kinon­sidera din ng panel ang umanoy paggigiit ng alkalde na magbigay ng ransom sa kabila ng alam nito na mayroong no ransom policy ang gobyerno.

Inamin naman ni Gon­zalez na kaagad nilang inaksiyunan ang pagha­hain ng kaso la­ban sa mag-amang Is­na­ji sa pangambang makatakas pa ang mga ito sa kulu­ngan sa Camp Crame. (Gemma Amargo-Garcia)

BUKOD

CHIEF CITY PROSECUTOR EMILIE FE DELOS SANTOS

CRAME

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

SHY

SULU MAYOR ALVAREZ ISNAJI

SULU REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with