DepEd pabor sa cellphone ban
Natuliro ang media kahapon sa naging kautusan ni Department of Education Secretary Jesli Lapus hinggil sa paggamit ng cellphone sa mga paaralan.
Naunang ipinagbawal ni Lapus ang paggamit ng mga cellphone sa loob ng paaralan pero binago niya ito kinatanghalian at sa halip ay sinabing bawal lang ang mobile telephone sa loob ng mga silid-aralan.
Ang pahayag ni Lapus ay bilang pagpabor sa panukalang-batas ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na nagbabawal sa paggamit ng cellphone sa lahat ng paaralan sa buong bansa.
Sa unang pahayag ni Lapus, sinabi nito na suportado ng DepEd ang House Bills 4246 ni Rodriguez na nagpapabor sa total ban ng cellphones sa school premises upang hindi ito magamit sa anumang pandaraya at kalokohan katulad ng pagpapadala ng bomb threat upang maagang ma-dismiss ang klase.
Subait pagdating ng tanghali ay nag-iba ang pahayag ni Lapus hinggil sa isyu at sinabing may dati nang kautusan ang DepEd na nagba-ban ng cellphones sa loob lang ng classrooms. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending