Hiniling kahapon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ipagpaliban muna ang nakatakdang eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Minda nao (ARMM) ngayong Agosto 11.
Sinabi ng MILF sa kanilang website sa pamamagitan ni MILF chief negotiator Mohagher Igbal, ang nakatakdang ARMM elections ay posibleng makaapekto sa ongoing peace talks sa pagitan ng gobyerno at MILF.
Ayon kay Igbal, kapag itinuloy ang ARMM elections ay magkakaroon ng impresyon na hindi talaga seryoso ang gobyerno at si Pangulong Gloria Arroyo na isulong ang ka payapaan.
Aniya, magiging sagka din ito sa pagsisimula ng transition para sa itatatag na Bangsamoro Judicial Entity (BJE) sa sandaling malagdaan ng gobyerno at MILF ang Comprehensive Compact dahil na rin kinakailangang tapusin ng mga magiging opisyal ng ARMM ang kanilang termino hang gang 2011.
“Other local officials in the provinces, municipalities or cities purported to be included in the area of the BJE will finish their terms of office in 2010. President Arroyo’s term would end in June 2010,” wika pa ng MILF.
Maging si Atty. Datu Michael Mastura na senior member ng MILF peace panel ay naniniwala na kapag ipinagpaliban ni Pangulong Arroyo ang eleksyon sa ARMM ay ipinapakita nito ang kongkretong manipestasyon na pangunahing layunin ng kanyang administrasyon ay maisulong muna ang kapayapaan sa rehiyon.
Ipinabatid na ng MILF panel ang kanilang kahilingang ito sa Arroyo administration sa pamamagitan ni Philippine chief negotiator Rodolfo Garcia bago nagtapos ang peace talks kamakalawa habang nangako si Garcia na gagawin niya ang lahat upang maipagpaliban muna ang ARMM elections. (Rudy Andal/Joy Cantos)