^

Bansa

5 solons bigo sa JPEPA

-

Nabigo ang limang kongresista at ilang militanteng grupo na mailantad ang lahat ng impormasyon at mga dokumentong may kaugnayan sa Japan-Philippine Economic Partnership Agreement o JPEPA.

Ito ay matapos na ibasura kahapon ng Supreme Court (SC) en banc ang inihaing petition nina Cong. Lorenzo Tanada III, Cong. Mario Joyo Aguja, Cong. Loreta Ann Rosales, Cong. Ana Theresia Hontiveros-Baraquel at Cong. Joel Villanueva at iba pang militanteng grupo na humihiling na ilantad ang lahat ng impor­masyong may kaugnayan sa naturang kasunduan para sa ginagawang pagdinig ng Kongreso.

Sa botong 10-4, sinabi ng SC na bigo ang mga naghain ng petisyon na patunayan na may matinding pangangailangan para sa full disclosure ng negosasyon sa JPEPA at lahat ng mga dokumento tungkol dito.

Hindi lumahok sa pagboto ng desisyon si Associate Justice Arturo Brion dahil bahagi pa umano ito ng executive department bilang DOLE Secretary noong ginagawa ang negosasyon sa JPEPA.

Ipinaliwanag pa ng SC na ang hinihinging dokumento ay protektado ng diplomatic negotiation privilege kaya pinagtibay din ng korte ang executive privilege na iginigiit ng pamahalaan sa pagtanggi nitong ilantad ang mga dokumento. (Gemma Amargo-Garcia)

ANA THERESIA HONTIVEROS-BARAQUEL

ASSOCIATE JUSTICE ARTURO BRION

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOEL VILLANUEVA

LORENZO TANADA

LORETA ANN ROSALES

MARIO JOYO AGUJA

PHILIPPINE ECONOMIC PARTNERSHIP AGREEMENT

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with