Susog sa Epira ibinasura

Malamang bumaba na ang halaga ng elektrisi­dad sa Agosto matapos ibasura ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang planong pagsusog sa Epira Law.

Sinuportahan si Pam­panga Congressman Juan Miguel “Mikey” Arroyo sa hanay ng mga negosyante sa kanyang desisyon na huwag nang ituloy ang amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at tutukan na lang ang epek­tibong pagpapatupad nito upang matiyak ang pag­baba ng presyo ng kur­yente.

Ayon kay Ernie Pan­tangco, pangulo ng Philippine Independent Po­wer Producers Association (PIPPA), at Arthur Young, president ng Semi-conductors and Electronics Industry of the Philippines (SEIPI), ang desisyon ng nakabab­atang Arroyo na huwag nang ituloy ang pag-am­yenda sa batas ay nag-alis sa malaking pa­ngamba ng mga dayu­hang investors hinggil sa pabago-bagong polisiya ng gobyerno sa pagne­negosyo sa bansa.

Si Arroyo ay panga­nay na anak ni Presidente Gloria at chairman ng House Energy Committee.

Anila, ang pag-atras ni Arroyo sa pag-amyenda sa EPIRA ay pagdinig ng pamahalaan sa kanilang posisyon na hindi na kailangang susugan pa ang batas kung nais ng pamahalaang matiyak ang pagbaba ng presyo ng kuryente.

Ipinunto pa ni Pan­tangco na kasalukuyan nang dinidinig ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang panukala ng PIPPA, SEIPI at iba pang malalakas gumamit ng kuryente para sa “voluntary interim open access” na una nilang inilabas sa pagdinig ng Senado sa isyu ng mataas na presyo ng kuryente noong naka­raang buwan.

Ipinanukala ang pag-amyenda sa Epira upang pabilisin pa ang pribati­sasyon ng Napocor at masimulan na ang pag­baba ng presyo ng kur­yente sa bansa na pina­kamataas na ngayon sa buong Asya.

Sa naturang panu­kala, malaya nang maka­paghahanap ng mabibil­han nila ng kuryente ang malalaking gumamit nito tulad ng shopping malls at mga kumpanya sa electronics industry.

Bagaman inamin ni Pantangco na unang ma­kikinabang sa bagong sistema ang mga big power producers, mara­ram­daman din ng or­ dinar­yong mamamayan ang epekto nito batay sa ka­utusang ilalabas ng ERC.

Show comments