Nabawasan umano ang bulto ng mga kaskaserong tsuper at motoristang lumalabag sa batas-trapiko sa iba’t ibang lansangan ng Metro Manila dahil sa mataas na presyo ng gasolina.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), may mahigit 600 dumaraang motorista ang naibawas araw-araw ngayon sa EDSA bunga na rin ng sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Dati ay mahigit 2,000 motorista ang dumaraan sa EDSA.
Ayon naman kay Jason Reyes Jr., supervisor ng MMDA, malaki ang nabawas sa bilang ng mga motorista matapos na ipasyang mag-commute na lamang upang makatipid na rin sa gasolina bunga ng mataas na presyo nito.
Ilang motorista na rin ang nagpahayag na mas mainam na maglakad na lamang kung malapit lamang ang pupuntahan upang makatipid at mainam naman anila sa katawan ang paglalakad bilang ehersisyo.
Ikinatuwa naman ng MMDA ang naging magandang epekto ng oil price hike sa kabila ng mga negatibong epekto nito sa publiko. (Rose Tamayo-Tesoro)