Miriam bills umarangkada

Kung paramihan sa mga naihaing panukalang batas at resolusyon ang pag-uusapan sa Senado, wala nang tatalo kay Sen. Miriam Defensor-Santiago na nakapaghain na ng 624; na sinundan naman ni Sen. Jose “Jinggoy” Estrada, 502; at Senate President Manuel Villar, 380.

Sa ipinalabas na dokumento ng Indexing and Monitoring Section ng Legislative Bills and Index Service ng Senado, ang tatlong senador na nabanggit ang may pinakamaraming panukalang batas at resolusyon na naihain.

Pang-apat naman si Senadora Loren Legarda, sinundan nina Sens. Ramon Revilla, Jr; Antonio “Sonny” Trillianes; Manuel “Lito” Lapid; Edgardo Angara; Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr. at pang-sampu si Senador Richard Gordon.

Pinakakonti naman ang naihaing panukalang batas at resolusyon ni Sen. Joker Arroyo na lima lamang; Sen. Alan, Peter Cayetano, 13; at Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, 26. (Malou Escudero)

Show comments