Inatasan kahapon ng Manila Regional Trial Court ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na magpaliwanag sa loob ng 15-araw hinggil sa kinakaharap na P4.45 milyong damage suit na isinampa ng Sulpicio Lines Inc. kaugnay sa umano’y kapabayaan ng ahensya na naging sanhi ng paglubog ng M/V Princess of the Stars.
Ang kautusan ay ipinalabas ni Manila RTC Branch 26, Judge Silvino T. Pampilo Jr..
Naunang inihain ng Sulpicio ang demanda laban sa pamunuan ng PAGASA.
Sinisi ng Sulpicio ang PAGASA na hindi ito naging maagap sa pagbibigay ng update sa direksiyon ng bagyong ‘Frank’ na naging dahilan sa paglubog ng barko.
Iginigiit ng PAGASA sa mga nauna nitong pahayag na hindi ito nagkamali sa pagbibigay ng babala hinggil sa pagdating ng bagyo sa karagatan ng Visayas.
Mariing kinokondena ng marming opisyal at sektor ang pangasiwaan ng Sulpicio dahil hina yaan nitong bumiyahe ang barko kahit masama ang panahon na nagbunga sa pagkamatay ng marami nitong pasahero. (Ludy Bermudo)