^

Bansa

PAGASA pinasasagot sa demanda ng Sulpicio

-

Inatasan kahapon ng Manila Regional Trial Court ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na magpaliwanag sa loob ng 15-araw hinggil sa kinakaharap na P4.45 milyong damage suit na isinampa ng Sulpicio Lines Inc. kaugnay sa umano’y kapabayaan ng ahensya na naging sanhi ng paglubog ng M/V Princess of the Stars.

Ang kautusan ay ipinalabas ni Manila RTC Branch 26,  Judge Silvino T. Pampilo Jr..

Naunang inihain ng Sulpicio ang demanda  laban sa pamunuan ng PAGASA.

Sinisi ng Sulpicio ang PAGASA na hindi ito naging maagap sa pagbibigay ng update sa direksiyon ng bag­yong ‘Frank’  na naging dahilan sa paglubog ng barko.

Iginigiit ng PAGASA sa mga nauna nitong pahayag na hindi ito nagkamali sa pagbibi­gay ng babala hinggil sa pagdating ng bagyo sa karagatan ng Visayas.

Mariing kinokondena ng marming opisyal at sektor ang pangasi­waan ng Sulpicio dahil hina­ yaan nitong bumi­yahe ang barko kahit masama ang panahon na nagbu­nga sa pagka­matay ng marami nitong pasahero. (Ludy Ber­mudo)

JUDGE SILVINO T

LUDY BER

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PAMPILO JR.

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SHY

SULPICIO

SULPICIO LINES INC

V PRINCESS OF THE STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with