^

Bansa

Pulis sasanayin sa DNA testing

-

Sasanayin sa pagsa­sa­gawa ng DNA testing ang mga pulis na naka­talaga sa Central Visayas upang makatulong sa pagkilala sa mga nare­kober na labi ng lumubog na MV Princess of the Stars na patuloy ang pag­dagsa sa Cebu.

Kahapon ay 20 naaag­nas na mga bangkay ang dumating sa Cebu City na pinaniniwalaang pasahero ng lumubog na barko ng Sulpicio Lines.

Ang Sulpicio Lines ay nakabase sa Cebu City kaya dito isinasagawa ng mga eksperto ang pagsu­suri at proseso sa pagkilala sa mga bangkay.

Ang mga lokal na pulis sa lalawigan ay sasanayin ng mga eksperto mula sa International Police Organization (Interpol). Kapa­pa­looban ito ng tamang pag­kuha ng ‘ante mortem sam­ples’ mula sa naku­hang bangkay.

Samantala, itinigil na ang public viewing sa mga bangkay na dinala sa Cebu City para masimulan na ang DNA sampling na tanging pag-asa raw para makilala ang mga labi.

Nasa advanced state of decomposition na kasi ang mga ito na naka-seal na at isinilid sa mga kabaong.

Ayon sa mga forensics expert, hindi na sila ma­kikilala base sa hitsura at tanging DNA testing na lang ang pag-asa. (Joy Cantos)

ANG SULPICIO LINES

CEBU

CENTRAL VISAYAS

INTERNATIONAL POLICE ORGANIZATION

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with