^

Bansa

Pangunguna sa anti-graft honor roll target ng BI

-

Pumang-apat na mula sa pampito sa Honor Roll of Champions Against Corruption ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) ang Bureau of Immigration (BI) sa survey na inilabas kama­kailan.

Isinakatuparan ng PAGC ang naturang survey sa may 80 ahensiya ng pamahalaan sa layu­nin nitong mabawasan kung hindi man tuluyang maalis, ang mga kaso ng graft.

“Way back in 1996, the Bureau of Immigration wallows in the rankings, 76th to be exact and modesty, aside, we are greatly ho­noured as we vaulted fourth from seventh in list,” wika ni lawyer-Commissioner Marcelino “No­noy” Libanan. “With the help of our employees, the BI intends to grab the top spot soon.”    

Gamit ang Perform­ance Management System-Office Performance Evaluation System (PMS-OPES) ng Civil Service Commission, ang BI ay hi­ni­rang din bilang “Top of the Class” sa hanay ng mga ahen­siyang pang-gobyerno.  

Kabilang sa mga pro­gra­mang pagsasaayos ng BI ang mapalaganap ang turismo, komersiyo sa pa­mamagitan ng ba­gong investors sa bansa sa ilalim ng Pre-arranged Visa Upon Arrival (PVUAP), ang Visa Issuance Made Sim­ple (VIMS), ang No Touch, No Contact Policy at ang Tattoo is an Art policies. 

Naisaayos din ng BI ang detention facility nito sa Bicutan, Taguig City at maging ang pagpapap­tupad ng maige ng “Rules of Engagement” para sa mga ahente nito o law  enforcers.

Na-upgrade na rin di­umano ang passport reading machines sa Ninoy Aquino International Airport, paggawa ng BI-National Operations Center at iba pa. (Butch Quejada)

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CIVIL SERVICE COMMISSION

COMMISSIONER MARCELINO

HONOR ROLL OF CHAMPIONS AGAINST CORRUPTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with