P6-B suit isasampa ng teachers vs GSIS

“Ilabas ninyo ang pondo naming P6-bilyon.”

Ito ang sigaw ng mga guro sa Government Service Insurance System kaugnay ng umano’y “arrears” sa remittance ng kanilang kontribusyon sa naturang ahensya na uma­abot sa P6 bilyon.

Nagbabala ang mga guro na kasapi sa Teachers’ Dignity Coalition (TCD), Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASERT) na maghaharap sila sa Korte ng class suit laban sa mga opisyal ng GSIS sa pa­ngunguna ni GSIS Gen. Manager Winston Garcia. Kinukuwes­tyon ng mga naturang guro kung na­saan na ang P6 bilyon deposito nila sa pase­guruhan.

Sa kanilang pagpupu­long sa Teachers’ Camp sa Baguio City, napag­kaisa­han ng mga guro na mag­sampa ng demanda laban sa GSIS at sa mga top officials nito upang mapilitang ilabas ang hinahabol nilang pondo sa paseguruhan.

Ayon sa mga guro, pi­nahihirapan sila ng GSIS sa pagkuha ng loans at ang ikinakatuwiran ay ang hindi nare-remit umano na P6 bilyon na nabawas naman sa kanilang sahod. Hinihi­nala ng mga teachers na malamang nagamit ng GSIS ang pera at ang mga guro pa ngayon ang pina­parusahan nila.

Nagdadahilan lang anila ang GSIS para tulu­yang hindi makakuha ng benepisyo ang mga teachers upang magamit ng ahensya ang kanilang pera sa ibang bagay.

Sa may 3 milyong ka­sapi sa GSIS, 40 porsi­yento umano ay galing sa hanay ng mga guro at non-teaching personnel ng Department of Education.

Bukod sa mga titser ay ikinakasa na rin ng iba pang mga empleyado sa gob­yerno, na lahat ay GSIS members, ang kasong malversation at samut-saring iba pa laban kay Garcia dahil sa patuloy na pagka­lugi ng GSIS sa perang “isinugal” nito sa mga ‘shares of stock’ ng Me­ralco. (Edwin Balasa)

Show comments