^

Bansa

Kapitan ng ‘Princess’ itinatago ng Sulpicio?

-

Malaki ang hinala ni Vice-President Noli de Castro na itinatago la­mang ng pamunuan ng Sulpicio Lines ang kapi­tan ng tumaob na MV Princess of Stars upang makaiwas ito sa imbesti­gasyon. 

Sinabi ni VP de Cas­tro, may mga impor­mas­­ yong nakarating sa kan­ya na itinatago uma­no ng Sulpicio Lines si Capt. Florencio Mari­mon Sr. at isa pang survivor sa isang safe­house upang maka­iwas sa ginaga­wang im­bes­tigasyon ng Board of Marine Inquiry at Philippine Coast Guard kaug­nay sa pag­lubog ng barko na may lulang mahigpit 800 pasahero at crew. 

May posibilidad uma­­no itong mangyari para ma­ kaiwas sa imbesti­gas­­yon ang kapitan ng barko. 

Aniya, sa mga tra­hedya sa karagatan ay palaging nawawala ang kapitan ng barko kaya hindi maimbestigahan ang mga ito upang ma­batid ang tunay na da­hilan ng paglubog ng isang sasakyang pan­dagat. 

Iginiit ng PCG na si Marimon lamang ang makakapag-bigay linaw sa kung ano talaga ang nangyari sa naturang pagtaob ng MV Princess of the Stars. 

Naniniwala si de Cas­tro na kasamang itina­ tago ng Sulpico Lines ang isa sa mga survivors na si Dexter Lagahid na ba­ga­ma’t nakalista sa mga survivors ay hindi naman mahanap ng kanyang mga kaanak. (Rudy Andal)

BOARD OF MARINE INQUIRY

DEXTER LAGAHID

FLORENCIO MARI

PHILIPPINE COAST GUARD

PRINCESS OF STARS

PRINCESS OF THE STARS

SHY

SULPICIO LINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with