^

Bansa

Life sa killer ni Julia Campbell

-

Hinatulan kahapon ng Banaue, Ifugao Regional Trial Court ng parusang habambu­hay na pagkabilanggo ang woodcarver na si Juan Donald  Duntu­gan makaraang mapa­tunayang nagkasala sa pagpatay sa isang volunteer ng United States Peace Corps na si Julia Campbell noong Abril ng nakaraang taon.

Batay sa 36 na pa­hinang desisyon ni Judge Esther Pisoco Flor, makukulong si Duntugan sa loob ng 20 hanggang 40 taon  nang walang parole dahil sa pagpaslang kay Campbell habang nagbabakasyon ang biktima sa bansa. 

Sinabi ni Flor na may pagtatraydor at pagga­ mit ng lakas sa krimen para senten­syahan si Duntugan kaya tinang­gihan ang argumento ng akusado na simboyo lang ng galit kaya na­gawa nitong patayin ang biktima.

Ikinasiya ng kapatid ni Campbell na si Gerry Morris ang de­sisyon ng korte.

Noong Abril 8, 2007,  naglalakad si Campbell sa isang magubat na daan pa­tungo sa rice terraces ng Ifugao nang mapa­tay siya ni Dugtugan. Sinasabi ni Dugtugan na napagkamalan niya ang Amerikana na isa sa kaaway niya.

Natuklasan ang bangkay ni Campbell sa isang mababaw na hukay pagkaraan ng 10 araw mula nang paslanngin siya.

“Imposibleng hindi nakilala ni Duntugan si Julia dahil, ayon na rin sa kanya, nakasalu­bong at namukhaan pa niya ang isang Melvin Churhangon ilang mi­nuto maka­ raang ita­pon niya ang bangkay ni Julia,” sabi pa ng korte.

DUGTUGAN

DUNTUGAN

GERRY MORRIS

IFUGAO REGIONAL TRIAL COURT

JUAN DONALD

JUDGE ESTHER PISOCO FLOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with