Lumang barko bawalang maglayag

Iginiit kahapon ni Senate Minority Leader Aqui­lino ‘Nene’ Pimentel Jr. na pagbawalan nang mag­layag ang mga matatan­dang barko na nagiging sanhi upang malagay sa panganib ang buhay ng kanilang mga pasahero.

Sinabi ni Pimentel na panahon na upang busi­siin ng maritime transportation authorities ang mga tinaguriang ‘second-hand sea vessels’.

Naniniwala si Pimen­tel na mas makabubuting patubuan na lamang ng talaba ang mga lumang barko kaysa maging “floating coffin”.

Kung papayagan pa rin aniyang magamit sa karagatan ang mga lu­mang barko, hindi impo­sibleng  maulit ang nang­yaring trahedya sa MV Princess of the Stars.

Bagaman at ang Princess of the Stars ang pina­kamalaking barko ng Sul­picio Lines, ito ay nasa 25 taong gulang na umano na binili sa Japan noong 2000 sa halagang $5milyon. (Malou Escudero)

Show comments