^

Bansa

Suporta sa 300-day Zero Basura Olympics hihingin

-

Inatasan kamakailan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Department of Environment and Natural Resources na kunin ang suporta ng mga pama­halaang lokal sa solid waste management program ng pamahalaan sa pamamagitan ng paglu­lunsad ng Zero Basura Olympics.

Idiniin ng Pangulo na kailangan ang suporta ng lahat ng pamahalaang lokal sa programa dahil hindi kakayaning mag-isa ng DENR ang pagpa­patupad ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2001.

Sa paglulunsad ng Zero Basura Olympics: Fast Track RA 0003 sa Rizal Provincial Capitol sa Pasig City noong naka­raang linggo, nanawagan si DENR Secretary Lito Atienza sa mga pamaha­laang lokal na sugpuin ang problema sa basura sa loob ng 300 araw.

“Sa solid waste management, nakikita at naa­amoy ang kaaway. Kung gagamitin natin ang ating isip at puso, ma­gagapi natin ang mga isyu sa basura, ma­pa­ngasiwaan ito at malinis sa basura ang lipunan,” sabi ni Atienza. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

FAST TRACK

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PASIG CITY

REPUBLIC ACT

SHY

ZERO BASURA OLYMPICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with