P3-M ibinulsa ni Mayor!
Pumarte umano sa ibinayad na P5 milyong ransom si Indanan, Sulu Mayor Alvarez Isnaji at anak nitong si Haider kung saan P2 milyon lamang ang idineliber sa mga kidnaper at ang P3 milyon ay ibinulsa umano ng alkalde.
Sa press briefing sa Camp Crame kahapon, kinumpirma ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr. ang P5 milyong ransom na sinasabing naunang naibayad kapalit ng kalayaan ng assistant cameraman ng ABS-CBN na si Angelo Valderama.
“Ransom was paid. It was established that of the P5M ransom Isnajis’ only delivered P2-M ransom to the abductors and had kept the remaining balance,” ani Razon.
Gayunman, ang sinasabing malaking bulto pa ng ransom na ibinayad naman sa mga kidnappers noong Hunyo 17 ilang oras bago palayain sina Ces Drilon, cameraman Jimmy Encarnacion at Prof. Octavio Dinampo ay kasalukuyan pang inaalam.
Batay sa mga impormasyon, sinasabing nasa P20 hanggang P30M umano ang ibinayad kapalit ng paglaya ng mga bihag.
Gayunman, P5M lamang sa nasabing ransom ang kinukumpirma ni Razon dahil ito ang nakunan ng ebidensya ng isang opisyal ng PNP na nagsilbing undercover sa ransom payoff noong Hunyo 12 kung saan pinalaya si Valderama.
Ipinakita rin ni Razon sa mediamen ang mga larawan bilang ebidensya sa mag-amang Isnaji habang binibilang ang P5M ransom na nakunan sa bahay mismo ng mga ito sa Brgy. Timbangan, Indanan, Sulu ilang oras matapos na palayain si Valderama.
“The evidence itself speaks louder than words that the Isnajis is behind the abduction. It was gathered that Mayor Isnaji and his son had persistently applied pressure on the family of the victims,” sabi ni Razon.
Ang naturang ransom umano ay sinasabing dinala sa Sulu ni Frank Drilon, kapatid ni Ces.
Nasa naturang larawan din si Sulu Vice Gov. Lady Ann Sahidullah na kasama ng mga itong nagbibilang ng pera.
Ani Razon, pinag-aara lan na nilang gawin itong testigo laban sa mag-ama.
Lingid din sa kaalaman ng mag-amang Isnaji ay hindi negosyador ang nakasibilyang opisyal na si Sr. Supt. Winnie Quidato, ng PNP-Intelligence Group kundi naniktik ito para kumuha ng mga ebidensya laban sa mga ito.
Sinabi ni Razon na patuloy rin nilang iimbestigahan ang nagtraydor kina Ces na si Jumail Biyaw alyas Mameng na nasa kustodya ng AFP-Joint Task Force Comet sa Jolo, Sulu.
Maliban sa mag-amang Isnaji, kinasuhan din ng kidnapping-for-ransom ang dalawang naunang natukoy na suspect na sina Sulayman Patta alyas Abu Harris/Tek, sub-leader ni Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron at Taun Wais alyas Walid.
Pinaghahanap na rin sina alyas James, Seding, Amrin Adzker, Bas, Bakrin, Rihim, Tawing at 3 iba pa na di natukoy ang pagkakakilanlan; pawang mga tagasunod ni Sahiron alyas Kumander Putol, may patong sa ulong P5M.
Ang mag-ama ay kapwa nakakulong ngayon sa PNP-Custodial Center sa
- Latest
- Trending