^

Bansa

4 kaso vs Miranda, Lim, et al ibinasura

-

Ibinasura na kahapon ng AFP-General Court Martial (GCM) ang apat sa kabuuang limang kaso ng paglabag sa Articles of War (AW) laban sa 28 opisyal ng Army Scout Rangers at Philippine Marines kaugnay ng pagkakasangkot sa nasilat na Pebrero 2006 kudeta.

Sa halip, ang grupo ay lilitisin na lamang sa kasong paglabag sa AW 67 (attempting to begin or create mutiny) sa loob ng dalawang taong prescription period.

Nangunguna sa mga nililitis sina dating Marine Commandant Major Gen. Renato Miranda at dating First Scout Ranger Regiment Chief Brig. Gen. Danilo Lim. 

Kabilang sa mga ibinasurang kaso ay ang paglabag sa AW 63 (mutiny), 65 (willfull disobedience of superior officer), 96 (conduct unbecoming an officer and a gentleman) at 97 (conduct prejudicial to good order and military discipline).

Napawalang bisa ang paglilitis sa mga akusado sa apat na kaso dahil natapos na ang 2 taong prescription period ay hindi sila nabasahan ng sakdal. (Joy Cantos)

ARMY SCOUT RANGERS

ARTICLES OF WAR

DANILO LIM

FIRST SCOUT RANGER REGIMENT CHIEF BRIG

GENERAL COURT MARTIAL

IBINASURA

JOY CANTOS

MARINE COMMANDANT MAJOR GEN

PHILIPPINE MARINES

RENATO MIRANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with