Presyo ng de-lata tataas
Inaasahang tataas ang presyo ng mga de-latang pagkain sa susunod na buwan ng Hulyo bunsod na rin ng pagtaas sa halaga ng tin can at walang humpay na pagsirit ng presyo ng langis.
Inanunsiyo na ng mga “meat processor” na wala na silang magawa kundi itaas ang presyo ng mga de-lata ng hanggang 25-35 sentimos kabilang dito ang mga corned beef, luncheon meat at sausage.
Kasali rin sa mga tataas ang instant noodles at pumalo ng hanggang 75 sentimo kada piraso ang malamang itaas habang ang sardinas, hanggang 20 sentimo kada lata ang increase.
Gayunman, niliwanag ni Undersecretary Zenaida Maglaya ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hakbang na ito ng mga retailers ay ilegal dahil wala itong basbas ng naturang ahensya.
“We were not informed that is why the standard retail price (SRP) remains the same..in the case of sardines, some brands increased their price while the others remained,” pahayag pa ni Maglaya.
Binigyang diin ni Maglaya na dapat ay inabisuhan muna ng naturang mga retailers ang ahensiya higgil sa kung anumang hakbang na gagawin nila.
Binigyan ng DTI ng hanggang sa susunod na linggo ang mga retailers at canned goods manufacturers upang magpaliwanag.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Henry Tanedo, chairman at president ng Tin Can Manufacturers Association of the
“The cost of raw materials is increasing that is why we have to increase our prices by 10 percent next month,” pahayag ni Tanedo.
Ang halaga ng 202 cans na gamit sa packaging ng sardinas ay P3.40 at inaasahan na ito ay papalo ng P3.74 bawat piraso sa Hulyo.
Noong Enero, ang halaga ng 202 cans ay umaabot lamang sa P3.05
“We cannot do anything. Tin plates are all imported and the peso has already dropped almost 5 percent,” sabi pa ni Tanedo.
- Latest
- Trending