^

Bansa

Free legal assistance sa pulis na sasabit

-

Bibigyan ng libreng “legal assistance” ng Philippine  Na­tional Police (PNP) ang mga opisyal at tauhan nito na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo  sa pagtupad sa tungkulin.

“Our men in uniform are tasked to walk the beat in proper uniform and walk proudly and bravely face the daily dangers of police work. It is in this view that the PNP Chief has made le­gal assistance as one of his priority projects,” pahayag ni PNP Director for Adminis­tration Deputy Director Jesus Verzosa sa one-day free legal aid clinic para sa PNP personnel na ginanap sa PNP Clubhouse sa Camp Crame, Quezon City. 

Sinabi ni Verzosa na ka­ sama sa trabaho ng mga pulis ang maharap sa ka­song administratibo at kri­minal kaya pinasalamatan nito ang mga abogado na handang tumulong upang ipagtanggol ang kaso ng mga pulis ng libre.

Sa ilalim ng “Project Legis” ay tutulungan ang may 78 personnel mula sa iba’t ibang National Sup-port Units na may kinaka­harap na kasong kriminal na nakasampa sa tang­gapan ng Ombudsman habang 370 ang may ka­song ad­ministratibo na naisampa sa iba’t ibang yunit ng PNP. (Joy Cantos)

ADMINIS

BIBIGYAN

CAMP CRAME

DEPUTY DIRECTOR JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

NATIONAL SUP

PROJECT LEGIS

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with