Naging simple ang pag diriwang kahapon ng Araw ng Kalayaan matapos tanggalin ang magarbong parada at ilaan na lamang ng gobyerno ang pondong dapat gagastusin dito sa direktang mga programa para matulungan ang mahihirap na Filipino.
Sa ika-110 taong aniber saryo ng Independence Day na ginanap sa Rizal Park, sinabi ni Pangulong Arroyo, hindi na tama na makitang gumagastos ang gobyerno gayong marami ang kinakapos sa kasalukuyan habang tumataas ang presyo ng langis at pagkain.
Hiniling din kahapon ng Pangulo sa lahat ng sec-tor ang tunay na pag kakaisa sa gitna ng dinaranas na krisis sa pagkain at mataas na presyo ng langis.
Pinaalala din niya na ang paghihikahos ay hindi dahil sa kapaba yaan ng gobyerno kundi ito ay pandaigdigang suliranin. (Rudy Andal)