Kaso ng rapist na sundalong Kano pararatingin sa UN

Nagbabala kaha­pon ang isang grupo ng kababaihan na idudu­log nila sa United Nations ang kaso ng sen­tensyadong rapist na sundalong Amerikano na si Lance Corporal Daniel Smith sa san­daling baligtarin ng Court of Appeals ang naunang desisyon ng Makati City Regional Trial Court.

Ayon kay Espe­ranza Santos, miyem­bro ng Subic rape task force, habang hini­hintay nila ang desis­yon ng CA ay lalo silang magbabantay dito at sa sandali uma­nong mapawalang sala si Smith, wala na uma­nong iba pang hak­bang ang biktimang si Nicole kundi dumulog sa UN.

Ang pahayag ng grupo ay bunsod sa napaulat na babalig­tarin ng CA ang na­unang desisyon ng mababang korte.

Inaasahang ipapa­labas ng CA ang de­sisyon ngayong bu­wang ito.

Nasentensiyahan si Smith ni Makati Judge Benjamin Pozon noong Disyembre 4, 2006  ng 40 taong pagkaka­ku­long dahil sa pang­ga­gahasa sa isang Pili­pina. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments