^

Bansa

Toll fee sa NLEX ibaba – GMA

- Ni Rudy Andal -

MINALIN, Pampanga - Inutos kahapon ni Pa­ngulong Arroyo sa Toll Regulatory Board (TRB) na gumawa ng hakbang upang ma­ibaba ang toll rate sa North Luzon Expressway (NLEX) na pag-aari din ng pamilya Lopez. 

Sa kanyang mensahe sa ginanap na 1st Egg Festival sa bayang ito, sinabi ng Pangulo na da­pat gumawa ng formula ang TRB upang maibaba ang toll fee sa NLEX na siyang dahilan kaya tu­maas din ang pamasahe sa  bus  at  presyo  ng  mga pagkain na mula sa North­ern at Central Luzon. 

Aniya, dapat ay ma­ging epektibo ang toll fee reduction sa NLEX simula sa June 30 at dapat ang maging toll rate nito ay katulad sa 2004 rates. Mula sa P180 toll fee ay magiging P171 na ito. 

Nangako din si Mrs. Arroyo na magpapatupad siya ng moratorium sa toll system sa loob ng kan­yang nalalabing termino hanggang 2010. 

Naniniwala si PGMA na kung mura ang baba­yarang toll fee ng mga delivery trucks na mula sa Northern at Central Luzon ay kasunod na bababa din ang presyo ng mga pro­duktong ibinibyahe nito patungong Metro Manila.

Nangako rin ang Pa­ngulo na susunod na pagtutuunan niya ng pan­sin na mapababa ang presyo ng pagkain at pamasahe sa mga provincial buses.

CENTRAL LUZON

EGG FESTIVAL

METRO MANILA

MRS. ARROYO

SHY

TOLL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with