CARP extension, ‘urgent bill’

Sinertipikahan kaha­pon ni Pangulong Arroyo bilang urgent bill ang House Bill 4077 o panu­kalang naglalayong pa­lawigin pa ng 5 taon ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). 

Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, ang sertipikasyon ay nakapa­loob sa ipinadalang sulat ni Pangulong Arroyo kina Senate President Manuel Villar Jr. at House Speaker Prospero Nograles. 

Sa pamamagitan nito, mapapadali ang pag­pasa ng CARP extension na nakatakdang magtapos sa darating na June 10. 

Magugunita na ang nasabing panukala ay kasalukuyang nakabin­ bin pa rin sa committee level sa Kamara at nais ni Mrs. Arroyo na ma­ipasa agad ito upang maipakita na seryoso ang Arroyo government na malutas ang suli­raning ito ng mga mag­sasaka. (Rudy Andal)

Show comments