^

Bansa

Sanggol napugutan habang isinisilang

- Joy Cantos -

Isang sanggol ang ak­sidenteng naputol ang ulo habang isinisilang ng kan­yang ina sa isang ospital sa Bacolod City, Negros Occidental.

Labis ang pagdadalam­hati ng ginang at buong pamilya nito na anila’y bunga umano ng kapaba­yaan ng mga medical personnel ng Western Visayas Regional Hospital.

Kinilala ang nagrerekla­mong ginang na si Analiza Mision, 23, residente ng Brgy. Busay, Bago City.

Sa pahayag ni Aling Lydia, lola ng sanggol, isinugod kamakalawa sa naturang ospital ang ka­niyang anak na si Analiza dahil manganganak na ito.

Gayunman, hirap na hirap umano ang kaniyang anak sa pagle-labor dahil nakabaligtad ang ulo ng sanggol o ‘suhe’.

Sa kabila ng naturang kondisyon ay pinilit pa rin umano ng mga medical personnel na paanakin ng normal ang kaniyang anak kung saan ay hinila ang sanggol na ang naputol na ulo ay naiwan sa loob ng tiyan ng ina.

Bunga nito, agad na isinailalim sa ceasarian operation ang ginang upang makuha ang na­pugot na ulo ng sanggol upang isalba ang buhay ng ina nito.

Isinalaysay pa ni Lola Lydia na nakita pa niyang gumagalaw ang paa ng ka­niyang apo kahit na naka­ba­ligtad ito na indikasyon umanong buhay ang sang­gol at dapat sanang na­ipanganak ng maayos kung nagdesisyon kaagad ang mga medical personnel na i-caesarian na la­mang ang ginang sa halip na paanakin ito ng normal.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nakakalabas sa pagamutan si Analiza at sa kabila ng nangyari sa ka­nila ay sinisingil pa umano sila ng malaking bill ng naturang pagamutan dahil sa umano’y ceasarian operation.

Napag-alaman na la­laki sana ang sanggol at dapat ay panganay na anak ng ginang kung na­buhay lamang ito.

Ikinatwiran naman ng mga hospital staff na patay na umano ang sanggol sa loob ng sinapupunan ng gi­nang na posibleng dahilan ng pagkapugot ng ulo nito na ayaw namang tangga­pin ng pamilya ng biktima.

Binabalak ng pamilya ng ginang na sampahan ng kaukulang kaso ang nasa­bing pagamutan bunga umano ng kapalpakan ng mga tauhan nito.

vuukle comment

ANALIZA

ANALIZA MISION

LOLA LYDIA

PLACE

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with